MAHIGPIT na ipatutupad ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagbabawal sa pagpapaputok ngayong Kapasukuhan at higit sa lahat sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Ayon kay DILG Undersecretary at spokesman Jonathan Malaya na inatasan na ang Philippine National Police (PNP) na kumpiskahin ang mga ilegal na paputok at arestuhin ang mga mahuhulihan nito.
Kabilang sa mga ilegal na paputok ay ang piccolo, watusi, giant whistle bomb, giant bawang, large Judas belt, super lolo, lolo thunder, atomic bomb, atomic bomb triangulo, pillbox, boga, kwiton, goodbye Earth, goodbye bading, hello Columbia at goodbye Philippines.
Inatasan din ng DILG ang PNP na magsagawa ng inspeksiyon sa “manufacturing complex, warehouse, at processing area” ng mga gumagawa at dealers ng paputok.
Kaugnay nito, ipinaalala rin si Bureau of Fire Protection Senior Inspector Bayani Zambrano na lahat ng uri ng public fireworks display ay mahigpit din na ipinagbabawal ngayon.
Tanging community fireworks displays lamang na pinamamahalaan ng Local Government Units ang pinapayagan. VERLIN RUIZ
Comments are closed.