FIRECRACKER STORES ININSPEKSYON NG PNP

ILANG Linggo bago ang pagsalubong sa Bagong Taon, ininspeksyon na ng mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang ilang tindahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan.

Pinangunahan ang inspeksyon ni PNP Chief, Gen. Rommel Francisco Maribl at ilang opisyal mula sa  PNP Civil Security Group na nagbibigay ng permit sa mga manufacturer, dealer at retailer ng paputok.

Layuninng inspeksyon na tiyakin na pawang mga legal, de kalidad at ligtas na mgq paputok lang ang ibinebenta sa publiko.

Kasabay nito, inilabas ng PNP ang listahan ng mga ipinagbabawal na paputok.

Kasama sa mga bagong nadagdag sa listahan ang       ilang pangalan ng bagyo na naminsala sa bansa ngayong taon kabilang ang Christine, Carina, Ulysses at Pepito.

Ayon kay Marbil, bukod sa mga physical store nagsasagawa na rin ng online patrolling ang PNP Anti Cybercrime Group para tugisin naman ang mga nagbebenta ng paputok sa online na mahigpit na ipinagbabawal sa batas.

Katwiran ni Marbil sa ins­peksyon ay dahil mayroong hindi umano naiinspeksyon ang mga produkto nila at wala ring permit ang mga nagtitinda nito.

Inatasan din ng heneral na hulihin ang mga retailer na nagbebenta ng paputok sa mga bangketa.

Ayon sa samahan ng mga nagtitinda ng paputok, malaki ang nawawala sa kanilang benta dahil sa talamak ng bentahan ng paputok online.

Karamihan  sa mga ibibenenta ay mga imported na paputok na mahigpit din ipinagbabawal.

EUNICE CELARIO