FIRECRACKERS, FIREWORKS IPINAGBAWAL SA NAVOTAS

paputok

IPINAGBAWAL ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang paggamit ng mga paputok at anumang iba pang mga aparato o materyales na pyrotechnic.

Sa Executive Order No. TMT-060, sinabi ni Ma­yor Toby Tiangco na bukod sa mabawasan ang peligro ng pinsala, makakatulong ang pagbabawal na mabawasan ang mga pagkakataong magtipon dahil sa pagpapakita ng paputok.

“People go out to the streets to light firecrackers or witness fireworks display. However, because of the pandemic, we must avoid any mass gathering,” ani Mayor Tiangco.

Ipinagbabawal ang mga pagtitipon na naaayon sa Inter-Agency Task Force para sa Management of Emerging Infectious Diseases Omnibus Guidelines sa pagpapatupad ng Community Quarantine.

“We want Navoteños to celebrate Christmas in the safety of their homes. Cases of COVID-19 are increasing. We need to enforce additional safety measures to prevent further virus transmission,” dagdag nito.

Ang EO TMT-060 ay alinsunod sa Regional Peace and Order Council Resolution No. 19-2020. EVELYN GARCIA

Comments are closed.