KUNG proven ang inahin para hindi malaspag at quality ulit ang magiging anak next breeding season ay unang 10-15 itlog lang ang kukuhanin natin sa kanya tapos pahinga na siya.
Ayon kay Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp, ang advantage ng mga unang itlog na mapipisa ay ito po ang hindi basta-basta nagkakasakit at kung magkasakit man ay madaling gamutin basta balansiyado ang kinakain at solid po ang genetic transfer.
“Makikita mo talaga ang characteristic ng parents nila huwag lang tatamaan ng sakit kasi talagang maiiwanan na sa paglaki, basta nagkasakit patayin na agad nang patayin kasi carrier/manghahawa lang iyon,” ani Doc Marvin.
“Kaya dapat kung papasukin ang gamefowl breeding/pagpapalahi ay magse-set ka ng standard/pamantayan para may direction ang lahat ng gagawin,” dagdag pa niya.
At kung proven at tested ang linyada para hindi mawala o sumabog ang hitsura o quality ay dapat maximum 4 bloodlines lang ang pinaiikot sa pagpapalahi kasi kung gaano karami ang linyada ay siya ring dami ng sakit ng ulo.
“Para sa akin, para magawa mo ito anuman ang kapintasan o diperensiya at karamdaman, ang pinakamagaling na pamamaraan para tapos agad hindi ‘yung tanong pa nang tanong kung ano gagawin at ‘di na sumakit ang ulo sa kaiisip at baka tayo ay magkasakit pa ay wala nang tatalo sa sila ay pagpapatayin,” ani Doc Marvin.
Anya, sa sikip ng mga labanan ngayon dapat bawal ang salitang nanghihinayang.
“Madali lamang humanap ng quality/super galing na manok pero hinding-hindi ka makakakita ng siguradong mananalo!” pagtatapos niya.
Comments are closed.