LAST March inilunsad ang first venture business ng Kapamilya actor na si Jake Cuenca na Proof Eyewear, na mabibili online. We heard na dahil sa pambagets ang style ng shades ni Jake ay marami silang orders na natatanggap na majority ay millennials.
Ang edge kasi ng shades ni Jake ay eco-friendly at gawa sa plants. Isang factor kung bakit naisipan ng actor na itayo ang nasabing business ay dahil sa mahilig siya noon pa sa shades. Everytime na may pupuntahan itong taping, shooting, o events ay palagi siyang naka-sunglasses at feel niya ay cute siya kapag may suot siya nito.
Aside sa Proof Eyewear ay producer na rin si Jake ng mga kilalang stage play na pinagbibidahan rin niya.
DERRICK AT SANYA SUPORTADO NG KAPWA KAPUSO SA PREMIERE NG KANILANG PELIKULA
PALABAS pa rin sa maraming sinehan sa buong bansa ang pinag-uusapang sexy drama movie nina Sanya Lopez at Derrick Monasterio na “Wild And Free.” Base sa mga nakapanood nito ay nagustuhan nila ang makabagong tema ng pelikula at hindi sila bitin sa mga sexy scenes ng bagong tandem na talaga namang realistic lalo na sa french kiss ng mga ito. Maganda at dekalidad ang pagkakagawa ng Wild and Free ni Direk Connie S. Macatuno at napaarte pa niya ng husto sina Derrick at Sanya sa mga confrontation scene sa film. Given na mahusay ng artista ang dalawa pero rito sa kanilang movie ay mas lalong hahangaan ninyo ang kanilang acting.
Mahusay rin ang supporting cast na sina Cheska Diaz, Juancho Travinio, Ashley Ortega na gumaganap na bessy ni Sanya na pretty na ang husay pa ng timing sa comedy. By the way, sinuportahan pala sina Sanya at Derrick ng kanilang mga kapwa Kapuso stars like Thea Tolentino and Macoy Morales sa kanilang matagumpay na red carpet premiere.
Yes, dumating din sa premiere night ang utol ni Sanya na si Jak Roberto kasama ang girlfriend na si Barbie Forteza. Shock, man si Jak sa kanyang napanood ay happy ang feeling niya at bida na sa movie ang sister na si Sanya, na majority ng scenes ay pinalakpakan ng mga tao sa sinehan.
BOOMGA KA DAY NA SI MAINE SUPER GALANTE SA BAGONG INTENSE GAME SA TANGHALI NA ‘BOOM’
SAYA at suspense ang hatid araw-araw ng newest intense game sa tanghali na “Boom” sa ating favorite show na Eat Bulaga. Yes, lahat ng players o contestant mapa-celebrity man o ordinaryong tao ay hindi maiiwasang kabahan habang sumasagot at pinuputol ang barbwire dahil kaunting pagkakamali o mali ang sagot ay sasabog ito. At throwback na throwback ang mga outfit dito nina Vic “Mr. Boom” Sotto at ng kanyang mga co-host sa segment na sina Boomdat Ruby Rodriguez at super galante kung mag-quote ng premyong cash na si Boomga Ka Day Maine Mendoza. Umaabot sa 80k to 180k ang ipinamimigay ni Maine sa kanilang mga manlalaro.
Comments are closed.