SA sama-samang pagpupursige at pagkakaisa, isang makasaysayang yugto ang nasaksihan sa pag-angat ng Cotabato City mula sa pagiging third class tungo sa pagiging isang first class city.
Ang tagumpay na ito ay nagdudulot ng pagmamalaki at inspirasyon hindi lamang sa mga taga-Cotabato kundi sa buong bansa.
Ang paglago ng Cotabato City ay isang malinaw na patunay na ang pagkakaroon ng kolektibong layunin at pagtutulungan ay maaaring manguna sa pag-unlad.
Sa pamamagitan ng pagpupursige ng lokal na pamahalaan at ng aktibong pakikiisa ng komunidad, nagtagumpay tayo sa pagtahak sa landas ng progreso.
Ang bawat pawis, puyat, at dedikasyon ng mga indibidwal, sa pangunguna ni City Mayor Mohammad Ali Dela Cruz Matabalao, na naglaan ng oras at lakas para sa pangarap na ito ay nagbunga ng tagumpay na kahanga-hanga.
Sa panayam ng ‘TARGET ON AIR’ sa DZME 1530KHZ, sinabi ni Matabalao na hindi naging madali ang kanilang paglalakbay, ngunit sa kanilang determinasyon at pagtutulungan, nagtagumpay silang baguhin ang takbo ng kasaysayan ng lungsod.
Sa likas na ganda ng lugar at kasaysayan nito, ngayon ay nagsusumikap ang Cotabato City na maging huwaran sa mga ibang lokalidad na may pangarap na magtagumpay.
Sa pagtutulungan ng bawat sektor ng lipunan, nagiging mas malakas ang pundasyon ng isang lungsod tulad ng Cotabato.
Ang pag-unlad ng ekonomiya at pag-angat ng antas ng pamumuhay ay resulta ng kolektibong pagkilos. Bagama’t ito ay tagumpay ng Cotabato City, ito rin ay tagumpay ng bawat isang mamamayan na nagtutulungan para sa kaunlaran ng kanilang lugar.
Sa hinaharap, mahalaga ang pagpapatuloy ng sama-samang pagtutulungan at pagpupursige para mapanatili at palawigin ang narating na tagumpay. Ang pag-usbong ng Cotabato City ay dapat maging inspirasyon sa iba pang lokalidad na mangarap, magsikap, at manalig sa kakayahan ng bawat isa na makamit ang kanilang mga pangarap.
Ayon kay Matabalao, tunay ngang sa pagkakakaisa, kahit gaano man kaliit o malaki ang isang komunidad, may kakayahan itong baguhin ang takbo ng kanilang kinabukasan.
Dahil sa pagiging isang first class city, ang Cotabato ay nagbibigay inspirasyon sa ating lahat na ang pagtutulungan ay susi sa pag-usbong at tagumpay ng bawat bayan at lungsod sa bansa.
Samantala, nanawagan naman si Matabalao sa Senado na imbestigahan ang mga akusasyon laban sa Phil. National Police (PNP).
Sa kanyang liham sa Senado, inihirit ng masipag na alkalde na busisiin ang insidente ng pamamaril na nagresulta sa pagkamatay ng tatlong indibidwal sa kanilang lungsod.
Abangan!