IDINIIN ng mga motorista ang kanilang panawagan kay Quezon City Task Force Traffic and Management Chief Atty. Ariel Inton kaugnay sa mahigpit na pagpapatupad ng “first come, first served” o free parking policy sa mga sidewalk, establishments at mga secondary streets at roads.
Ayon sa mga reklamong nakuha ng Public Commuters and Motorists Alliance (PCMA), maraming mga residente ang inaangkin ang kanilang mga tapat at ginawang exclusive parking slot nila ang mga ito dahil harapan ng kanilang bahay.
Nilalagyan pa rin ng mga may-ari ng bahay ang kanilang harapan ng mga ‘no parking sign’ at ‘exclusive’ para lang sa kanila.
Nauna nang sinabi ni Inton nang simulan ang clearing operations sa utos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na bawal ang maglagay ng mga ‘no parking’ sign o exclusive parking slot o anumang harang para hindi makaparada kung sinuman ang mauna.
Ayon sa mga motorista at commuters na sa ngayon ay talamak ang pag-aangkin ng mga residente na exclusive at walang maaaring pumarada sa harap nila kahit may mauna at itinuturing na kanilang mga property.
Nais linawin ng mga residente ang polisiya dahil sa ngayon ay nagiging sanhi ng argumento ang ganitong senaryo. BENEDEICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.