MAINIT na tinanggap ng mga manonood ang pilot episode ng first Fiipino anime series na “Barangay 143” noong nakaraang Linggo, Oktubre 21.
Base sa overnight data (individuals) ng AGB Nielsen NUTAM, wagi ang “Barangay 143” sa timeslot at nakakuha ng rating na 4.4% kumpara sa kalaban nito na may 3.2%.
Top trending topic din ang official hashtag nito na #Brgy143AngSimula sa Twitter kung saan bumuhos ang mga papuri ng netizens sa anime na nilikha ng Synergy88 Entertainment Media Inc., August Media Holdings, TV Asahi, at ASI Studios.
“Pilot episode pa lang grabe na. Paano pa ‘yung mga susunod na episode. Tunay ngang marami pa tayong aabangan. Congrats @brgy143!” sabi ni @iamjayyemm.
“Ang galing! Nakaka-excite ang mga mangyayari. Ang ganda ng story. Ang galing ng pagkaka-dub. Excited na kami mapanood ang next episode,” sabi naman ni @iris_Sarana
“Sulit ang pinaghirapan! Kudos sa gawang Pinoy. Keep it up!” sabi ni @kookai44418145
Nakilala na nga ng bayan ang binatang si Bren Park at nakita kung paano nalagay sa peligro ang kanyang pamilya habang papunta sana sa kanyang basketball game. Ipinakilala na rin ang mag-amang Vicky at Coach B at kung paano nila binabangon ang kulelat na basketball team na Puzakals.
Ngayong Linggo, Oktubre 28, haharapin na ni Bren ang buhay matapos ang trahedya. Sa kanyang pangungulila, isang babae ang magdadala sa kanya ng rebelasyong muling yayanig sa kanya.
Pakatutukan ang first Filipino anime series na “Barangay 143,” tuwing Linggo, 10 am sa GMA.
Tuloy ang viewing experience online dahil mapanonood ang “Barangay 143 Game Na” live sa Facebook, 10:30 am, na may pre-show ng 9:45 am.
Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/brgy143, i-follow ang @brgy143 sa Instagram at Twitter, at mag-subscribe sa www.youtube.
Comments are closed.