MATAGUMPAY na naidaos ang opening day ng kauna-unahang Philippine Attractions and Amusement Expo sa World Trade Center kahapon.
Tama! Ito ang kauna-unahang Attractions and Amusement Expo sa bansa sa ideya at pangunguna ng Director ng HQ Bizlink International Pte Ltd na si Mr. David Chow.
Unlike any other usual Expo, traditional dragon dance ang nagsilbing opening activity ng event. Kaya naman umpisa pa lamang ay all smiles na ang mga nagsipagdalo dahil sa entertainment na hatid ng mga performer.
Mapalad ang PILIPINO Mirror na maging bahagi ng momentous event na ito at kasabay nito ay napaunlakan na makapanayam si Chow kung saan ibinahagi niya ang kagalakan na maisakatuparan ang matagal na niyang pinagplanuhang Expo.
“It is the first exhibition in the Philippines on this kind of topic. It took me more than a year to prepare this 3-day show” paha-yag ni Chow.
May 70 exhibitors mula sa 10 bansa ang nagpapasiklaban ng mga makabagong produkto o imbensiyon sa nasabing convention.
Sa tanong kung ano ang kanyang naging inspirasyon sa PAExpo, ibinahagi ni Chow na naniniwala siyang may magandang po-tensiyal ang entertainment industry sa bansa. Regardless kung ito ay Theme Park o Amusement Center, tiyak aniyang makatutulong ito sa ekonomiya. Layunin niya na mas mapaunlad ang industriyang ito sa pamamagitan ng mga makabagong teknolohiya at im-bensiyong nais nilang maipakilala. Mula sa amusement machines, theme parks, hanggang sa wearable technologies, lahat ng ‘yan ay makikita at puwedeng ma-experience sa PAExpo2019.
“The right exhibitor has to meet the right buyer.” Ito, aniya, ang naging primary goal ni Chow sa pangangasiwa ng event. Kung kaya naman sinigurado niya na magbibigay-daan din ang nasabing Expo upang magkaroon ng direct conversation o understanding ang mga developer sa kanilang target buyers.
Binigyang-diin din ni Chow na mapalad ang mga kabataan ngayon sapagkat mayroon nang mga teknolohiya na makatutulong upang mas ma-develop ang learning capabilities nila sa mas masaya at mas mabisang pamamaraan, na siya namang hindi niya nara-nasan noong kabataan niya.
Sa lahat ng mga nabanggit, hindi maipagkakailang tagumpay nang maituturing ang ideyang ito ni Chow. Nakatutuwa ring isipin na sa likod ng kaniyang vision ay may malaking kabuluhang higit para sa pansarili niyang kapakanan, at ito ay para sa mga mama-mayan.
Ang PAExpo 2019 ay libre at bukas sa publiko, may edad 4 at pataas, mula Hulyo 11 hanggang Hulyo 13 World Trade Center, Pasay City. EDWIN CABRERA
Comments are closed.