FIRST RECYCLED PLASTICS ROAD INILATAG NG SMC

recycled plastics road

INILATAG na ng diversified conglomerate San Miguel Corp. (SMC) ang unang recycled plastics road sa bansa.

Ang aspalto na gu­mamit ng mga plastic ay inilatag sa 1,500-square meter pilot test site sa isang bagong logistics center sa General Trias, Cavite. Ang test site ay pinili dahil pangunahin itong gagamitin bilang marshalling area para sa mga trak na may mabigat na karga, kabilang ang 18-wheelers, at heavy equipment.

“What we want to achieve is to help address an important environmental issue, and that is plastic wastes. We want to create a sustainable use for waste plastics so that they don’t end up in landfills and our rivers and oceans,” wika ni  SMC president Ramon S. Ang.

May 900 kilos ng plastic waste, na katumbas ng 180,000 sachets at plastic bags, ang ginamit para sa test site.

Ayon sa SMC’s technology partner, global materials science company Dow, ang recycled plastic waste ay nagsisilbing binder, kasama ang bitumen, sa produksiyon ng aspalto.

“Using recycled plastics in the production process can help make roads longer lasting and more durable compared to conventional asphalt,” pagbibigay-diin ng kompanya.

Sa independent lab testing na isinagawa sa recycled plastics road asphalt ng San Miguel ay lumalabas na lumagpas ito sa standards ng  Department of Public Works and Highways (DPWH).

“Pending further testing, it can build recycled plastics roads in its facilities as well as major infrastructure projects,” dagdag pa ng kompanya.

Noong nakaraang linggo ay inanunsiyo ng San Miguel  na gagamit din ito ng biodegradable plastics para sa food at non-food products.

Para rito, ang kompanya ay gagamit ng biodegradable plastics na binuo ng  Philippine Bioresins Corporation na maaaring 64.65 porsiyentong ma-degrade sa loob ng 24 buwan kum­para sa non-biodegradable plastics (4.5 percent sa loob ng 24 months).

Binigyan ng Department of Science and Technology (DOST) Industrial Technology Development Institute ang inobasyon na ito ng Environmental Technology Verification certificate.

Itinigil na rin ng San Miguel ang bottled water business nito, ilang taon na ang nakararaan.

Comments are closed.