NAKOMPLETO ng National University ang first round sweep at napalawig ang kanilang unbeaten run sa 71 games sa pamamagitan ng 91-58 pagdispatsa sa Far Eastern University sa UAAP Season 81 women’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena.
Nagbuhos si Ria Nabalan ng 18 points, 7 assists, 5 rebounds at 2 blocks habang nag-ambag si reigning MVP Jack Danielle Animam ng 15 points, 9 boards, 4 assists at 2 steals para sa Lady Bulldogs.
Nanguna si Valerie Mamaril para sa Lady Tamaraws na may 14 markers habang nagdagdag si Fatima Quiapo ng 11 points, 7 rebounds at 3 assists.
Tinapos ng FEU ang first round na tabla sa De La Salle sa ikalawang puwesto na may 5-2 kartada.
Umiskor sina Sai Larosa at Tin Capilit ng tig-13 points nang maungusan ng Universiry of Santo Tomas ang University of the East, 53-51, upang makasalo ang Adamson University sa ika-4 na puwesto sa 4-3.
Bumagsak ang Lady Warriors, nakakuha ng 20 points kay Anne Pedregosa, sa 1-6.
Iskor:
Unang laro:
NU (91) – Nabalan 18, Animam 15, Pingol 10, Camelo 9, Cacho 9, Itesi 8, Harada 6, Cac 3, Ceño 3, Bartolo 2, Canuto 2, Del Carmen 2, Fabruada 2, Goto 2, Layug 0.
FEU (58) – Mamaril 14, Quiapo 11, Taguiam 10, Antiola 7, Castro 7, Vidal 4, Adriano 3, Bahuyan 2, Bastastas 0, Payadon 0.
QS: 24-6, 50-23, 74-38, 91-58
Ikalawang laro:
UST (53) – Larosa 13, Capilit 13, Irebu 7, Rivera 5, Gonzales 5, Aujero 4, Sangalang 4, Magat 2, Ferrer 0, Tacatac 0.
UE (51) – Pedregosa A. 20, Requiron 14, Cortizano 9, Ganade 3, Pedregosa P. 2, Francisco 2, Borromeo 1, Cuadero 0, Stra-chan 0.
QS: 11-8, 25-22, 44-34, 53-51
Comments are closed.