FIRST ROUND SWEEP TARGET NG TALISAY

Vismin

Team Standings

                                           W     L

MJAS-Talisay                    4     0

KCS-Mandaue                  2     1

ARQ-Lapu Lapu 2     1

Tabogon                           2     2

Dumaguete                      1     3

Tubigon                            0     4

 

Mga Laro Ngayon

(Alcantara Civic Center, Cebu)

3:00 n.h. —  MJAS-Talisay vs Tabogon

7:00 n.g. —  KCS Mandaue vs ARQ-Lapu Lapu

 

PUNTIRYA ng MJAS Zenith-Talisay City ang makasaysayang ‘sweep’ sa first round sa pagsagupa sa Tabogon sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Visayas leg ng Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup ngayon sa Alcantara Civic Center sa Cebu.

Nakatakda ang salpukan sa alas-3 ng hapon kung saan target din ng pre-tournament favortite Aquastars na mahila ang malinis na marka sa 5-0.

Sa kabila ng matikas na pakikihamok ng ARQ Builders Lapu-Lapu City nitong Sabado, nagawang maitakas ng Aquastars ang 84-75 panalo para sa solong liderato tangan ang 4-0 kartada.

Makakabangga ng Aquastars, pinangungunahan ng beterano at ABL campaigner na si Paulo Hubalde, ang sumisirit na Tabogon side na galling sa impresibong 86-78 panalo laban sa Dumaguete Warriors. Bumida sa naturang panalo ng Tabon-gon si guard Joemari Lacastesantos na kumamada ng 18 puntos, 6 reboubds, 6 boards, at 9 assists.

Magkakasubukan naman ang KCS Computer Specialist-Mandaue City at  ARQ sa alas-7 ng gabi. Magkasalo ang magkaribal sa 2-1 karta.

Sasabak ang Lapu-Lapu na wala pa rin ang top guns na sina Reed Juntilla, Jojo Tangkay, Monbert Arong, Ferdinand Lusdoc, at Dawn Ochea, na pinatawan ng suspensiyon sa kabuuan ng first round bilang ‘diciplinary action’ sa kanilang pambabastos sa laro laban sa napatalsik na Siquijor.

7 thoughts on “FIRST ROUND SWEEP TARGET NG TALISAY”

  1. 18583 97339Informative Site Hello guys here are some links that contains information which you may possibly find useful yourselves. It is Worth Checking out. 768439

  2. First of all I want to say awesome blog! I had a quick question that I’d
    like to ask if you do not mind. I was interested to know how you center yourself and clear your head prior to writing.

    I’ve had a difficult time clearing my mind in getting my thoughts out there.
    I do take pleasure in writing but it just seems like the first 10
    to 15 minutes are usually lost simply just trying
    to figure out how to begin. Any ideas or tips?
    Thanks!

Comments are closed.