FIRST ROUND WINALIS NG EAGLES

UAAP Eagle

Mga laro sa Sabado

(Mall of Asia Arena)

2 p.m. – UE vs AdU (Men)

4 p.m. – Ateneo

vs UST (Men)

KUMAWALA ang defending champion Ate­neo sa third quarter upang pataubin ang  University of the Philippines, 89-63, sa mainit na rematch ng last year’s championship at makumpleto ang first round sweep sa UAAP men’s basketball tournament kagabi sa harap ng 19,861 fans sa Smart Araneta Coliseum.

Naitala ng Blue Eagles ang 61-46 bentahe makalipas ang 30 minutong paglalaro kung saan nanlamig ang Fighting Maroons  matapos ang mainit na first quarter performance na nagresulta sa rout.

Napatalsik sa laro si UP coach Bo Perasol, may 6:23 ang nalalabi sa third quarter, dahil sa pagkompronta sa isang referee kasunod ng pinaniniwalaan niyang ilang non-calls sa third period.

Nauna rito ay nahigitan ng University of the East ang one-win output noong nakaraang taon sa pamamagitan ng 78-72 panalo laban sa National University.

Nanatiling walang dungis ang Ateneo sa pitong laro.

Nagbuhos si Ivorian Ange Kouame ng 19 points, 15 rebounds at 7 blocks, habang nag-ambag si Matt Nieto ng 16 points, 5 boards at 3 assists para sa Eagles.

Tumipa si Will Navarro ng 14 points at 6 rebounds, habang nagdagdag sina  Thirdy Ravena at SJ Belangel ng 13 at 11 points, ayon sa pagka-kasunod.

“I have to give credit to my boys for their composure. It wasn’t an easy game to play,” wika ni coach Tab Baldwin. “Great for basketball. It was great for us to get the win.”

Nanguna si Kobe Paras para sa UP na may 15 points at 4  boards, habang tumipa si Javi Gomez de Liaño ng  14 points. Nalimitahan si reigning MVP Bright Akhuetie sa 6 points dahil sa foul trouble.

Iskor:

Unang laro:

UE (78) – Diakhite 22, Manalang 13, Suerte 12, Tolentino 12, Abanto 8, Antiporda 6, Cruz 5.

NU (72) – Yu 17, Ildefonso S. 11, Gallego 8, Oczon 8, Clemente 6, Ildefonso D. 6, Joson 5, Malonzo 5, Gaye 4, Tibayan 2.

QS: 18-12, 37-32, 57-47, 78-72

Ikalawang laro:

Ateneo (89) – Kouame 19, Nieto Ma. 18, Navarro 14, Ravena 13, Belangel 11, Tio 5, Wong 4, Go 3, Mamuyac 2.

UP (63) – Paras 15, Gomez de Liaño Ja. 14, Manzo 12, Gomez de Liaño Ju. 8, Akhuetie 6, Rivero 6, Webb 2.

QS: 15-21, 35-31, 61-46, 89-63

Comments are closed.