Nanindigan ang Department of Migrant Workers (DMW) na hindi pa rin papayagan ang mga first-time overseas Filipino workers na mai-deploy sa Kuwait.
Sinabi ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na mahalagang bigyan muna ng pagkakataon ang naturang polisiya upang matukoy kung gaano ito kaepektibo.
Magugunitang nilimitahan ng namayapang kalihim ng DMW na si Secretary Susan Ople ang deployment ng mga OFW sa Kuwait kasunod ng kontrobersyal na pamamaslang sa domestic helper na si Jullebee Ranara. Kasunod nito ay sinuspinde ng Kuwaiti government ang paglalabas ng visa para sa mga Pinoy worker. Inalis din ito kalaunan pero ang mga OFW na may karanasan na lamang ang pinayagang makapunta sa Kuwait.