NAITALA ni Chris Paul ang 31 sa kanyang 41 points sa second half at dinurog ng Phoenix Suns ang host Los Angeles Clippers, 130-103, upang umabante sa NBA Finals sa unang pagkakataon sa loob ng 28 taon noong Miyerkoles (Huwebes sa Manila).
Si Paul ay 7 of 8 mula sa 3-point range at 16 of 24 overall laban sa kanyang dating koponan. Nagtala rin siya ng 8 assists at 3 steals.
Umiskor si Devin Booker ng 22 points, at nagdagdag sina Jae Crowder ng 19 points at Deandre Ayton ng 16 points at 17 rebounds para sa second-seeded Suns na nagwagi sa Western Conference finals sa anim na laro, 4-2.
Tumirada si Marcus Morris Sr. ng 26 points at 9 rebounds, at nagdagdag si Paul George ng 21 points para sa fourth-seeded Clippers. Napatalsik si Patrick Beverley, may 5:49 ang nalalabi, nang itulak si Paul.
Sa ika-8 sunod na laro ay lumiban si Clippers star Kawhi Leonard dahil sa knee injury habang hindi rin naglaro si teammate Ivica Zubac (knee) sa ikalawang pagka-kataon.
Hindi naman naglaro si Cameron Johnson (non-COVID illness) para sa Phoenix, na naipasok ang 17 sa 31 3-point attempts at bumuslo ng 56.4 percent overall.
Dalawang beses nang nakapasok ang Suns sa Finals, kung saan natalo ito sa Boston Celtics noong 1976 at sa Chicago Bulls noong 1993. Ang parehong series ay umabot sa Game 6.
501289 992793This web-site is actually a walk-through rather than the information you desired concerning this and didnt know who to inquire about. Glimpse here, and youll completely discover it. 970354