Sa kabila ng unang UN Sustainable Development Goal na naglalayong wakasan ang sobrang kahirapan sa taong 2030, inihayag ng Oxfam report na sablay tayo, at magkakaroon na tayo ng unang trillionaire bago matapos ang sampung taon.
Ayon sa report, lalo pang lumalaki ang pagitan ng mahirap at mayaman dahil sa lumalalang epekto ng climate change, human rights defenders, climate activists, trade unionists, artists, academics, at grassroots.
Ayon kay Rhea Jane Mallari, campaign lead ng Wellbeing Economy, Greenpeace, sablay na sablay ang kasalukuyang sistema ng ekonomiya na mas lumala pa dahil sa climate crisis. Habang ang milyon-milyong tao ay nabubuhay na isang kahig, isang tuka, ang konsentrasyon ng yaman ng mundo ay napupunta sa iilan — at wala silang pakialam kung masira man ang kalikasan.
Sa Pilipinas na lamang umano, palagi na lamang nagbabanta ang mga super typhoon, lindol at iba pang kalamidad ngunit wala tayong magawa.
May problema rin umano sa paghahanap ng trabaho at iba pa.
Si Elon Musk ang inaasahang magiging kauna-unahang trillionaire sa mundo, sa loob lamang ng hindi hihigit sa sampung taon. Wala pang trillionaire sa ngayon sa buong planeta, ngunit malay natin sa 2026.
RLVN