Fish be with you ni Roland Rosacay masasaksihan

MULING matutunghayan ang makukulay na artworks ng pintor na si Roland Rosacay sa kanyang ika-19 na solo exhibit sa Ricardo’s Galeria Alfredo sa Amadeo, Cavite.

Magbubukas ang exhibit sa Oktubre 1, ganap na alas-3 ng hapon.

Ang kanyang paintings ay naglalarawan ng makulay niyang buhay bilang alagad ng sining.Tubong Angat, Bulacan at nagtapos sa Philippine Women’s University, si Rosacay ay nagsanay sa Philippine Association of Printmakers dekada 80.

Hindi lamang pintor, iskultor, isa ring manunulat si Rosacay.

Humakot ito ng maraming pagkilala at parangal o mahigit 40 awards kabilang ang Certificate of Awardees sa New York International Competition at sa Seoul, South Korea Exchange Exhibit at Certificate of Appreciation sa Film Academy of the Philippines.

Kilala siya sa pagpipinta ng makukulay na isda, naging simbulo iyo ng pagkakaisa habang ang abstract paintings nito na madalas ay kombinasyon ng two-dimensional figures ay lumilikha ng malinaw at matinding dating at balanse sa kanbas.

Makikita sa mga obra ni Rosacay ang hugis bilog na tatak na ayon sa kanya ay simbolo ng pag-asa.

BAKIT ISDA?
Si Rosacay, isang Pisces ay dating nahilig sa surreal paintings hanggang sa magpinta ito ng mga makukulay na isda na naghatid sa kanya sa tugatog ng kanyang career.