FISH DEALER KRITIKAL SA AMBUSH

pinagbabaril

KRITIKAL ang isang 36-anyos na fish dealer matapos barilin sa ulo ng isa sa apat na hindi kilalang armadong kalalakihan sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Batay sa report ang biktima ay na­kilalang si Armando Maquipotin ng 155 Sanciango St., Brgy. Catmon ay isinugod ng kanyang helper sa Tondo Medical Center kung saan patuloy na inoobserbahan sanhi ng tama ng bala sa kanang bahagi ng noo.

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao, patuloy ang kanilang follow-up operation para sa posibleng pagkka-kilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek na mabilis na nagsitakas patungo sa Estrella St., Brgy Tañong matapos ang insidente.

Sa imbestigasyon nina P/SSgt. Jose Romeo Germinal at P/SSgt. Ernie Baroy, magde-deliver ang biktima ng mga panindang isda sakay ng kanyang service vehicle dakong alas-11:35 ng gabi nang harangin siya ng apat na armadong suspek sa kanto ng F. Sevilla at Estrella Streets, Brgy. Tañong.

Isa sa mga suspek ang bumaril sa ulo ng biktima at inakalang patay na ito kaya mabilis na tumakas ang gunman habang hu­mingi naman ng tulong ang helper ni Maquipotin na si Larry Bebanco saka mabilis na isinugod ang biktima sa nasabing pagamutan.  EVELYN GARCIA

2 thoughts on “FISH DEALER KRITIKAL SA AMBUSH”

  1. 577704 640403Hey! Do you use Twitter? Id like to follow you if that would be ok. Im undoubtedly enjoying your weblog and appear forward to new updates. 851849

Comments are closed.