FISH KILL SA LAS PIÑAS INIIMBESTIGAHAN NG DENR

Fish kill

MASUSING iniimbestigahan na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang naganap na fish kill kamakailan sa ba­hagi ng Las Piñas-Parañaque Wetland Park (LPPWP).

Ayon kay Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu, inaalam na nila ang dahilan ng pagkamatay ng mga naturang isda kasunod ang pagtitiyak na hindi maaapektuhan ang kanilang isinasagawang rehabilitasyon sa Manila Bay.

“The DENR is now gathering more information on the extent and the cause of the fish kill in LPPWP, ani Cimatu.

Napag-alamang nagsasagawa ang Environment Management Bureau-National Capital Region (EMB-NCR) ng pagsusuri hinggil sa water quality nito upang matukoy ang pinagmulan ng pagkamatay ng mga isda.

Ani Cimatu, minamadali na rin ang resulta ng pagsusuri upang mabilis na makatugon ang DENR at upang hindi makaapekto sa marine life ng lugar.

We are also doing this because we want to make sure that the fish kill incident will not cause any delay to the ongoing Manila Bay rehabilitation efforts,” pahayag pa ni Cimatu. BENEDICT ABAYGAR JR.

Comments are closed.