FISH RECIPE WITH A TWIST

FISH RECIPE

MARAMI ang mahihilig sa isda. Ngunit ang kadalasang luto na ginagawa natin dito ay prito. Pinakamadali nga naman ito. Madali man, masyado namang dry kaya’t kung paulit-ulit mo itong ihahanda, aayawan din ng pamilya.

Nakasasawa nga naman kung puro prito na lang ang gagawin natin sa isda. Nakawawalang gana ring kumain kapag iyon at iyon na lang ang inihahanda natin. Kaya naman, imbes na prito ang gawin sa isda, lagyan ito ng twist. Gawin itong kakaiba. Mag-isip. Subukan ang ibang putahe na hindi pa nasusubukan. Huwag matakot na tumuklas o mag-ekspe­rimento ng lutuin.

Ang simpleng isda nga naman ay magi­ging kakaiba at katakam-takam sa pamamagitan ng pag-iisip ng iba’t ibang luto na puwedeng gawin dito. At ang mga recipe na puwede mong subukan ay ang mga sumusunod:

FISH CHOWDER

Kung dry na dry naman ang luto mo sa isda, paano naman gaganahan ang iyong pamilya? Kung palagi ring prito, sa tingin mo ba ay ikatutuwa nila ang pagkain nito? Baka naman dahil sa nakasasawa mong putahe o luto, mas piliin pa nilang kumain sa labas.

Kaya naman, bakit hindi mo subukan ang paggawa ng Fish Chowder. Huwag kang mag-aalala dahil hindi ka na mahihirapan sa pagpiprito ng isda at hindi ka na rin sisigaw nang sisigaw sa tuwing magtatalsikan ang mantika sa pag-luluto nito.

Bukod sa hindi mamantika ang Fish Chowder, napaka-healthy rin nito dahil sa taglay nitong Omega-3 fatty acids, vita-min B at folic acids.

Swak na swak nga naman ang Fish Chowder sa mahihilig sa masasabaw na pagkain. Angkop na angkop din ito ngayong malamig ang panahon.

FISH TACOS

Kung may isa mang klase ng isda ang madaling bilhin, iyan ang tilapia. Ang madalas naman nating luto sa tilapia ay prito at gata. Masarap nga namang lagyan ng gata ang tilapia. Idagdag pa ang sahog nitong pechay. Pero bukod sa ga­nitong putahe, swak na swak ding gawing Fish Tacos ang tilapia.

Bukod sa main ingredient nitong tilapia, maaari mo rin itong samahan ng sibuyas, mang­ga, tomatoes, shredded cab-bage, asin at paminta para pampalasa at fresh cilantro.

Tiyak na mag-e-enjoy ang buong pamilya kapag natikman ito.

FISH ROLL

FISH RECIPEIsa rin ang Fish Roll sa maaari nating subukan. Parang shanghai lang din ito. Ang kaibahan lang ay imbes na karne, gagamit tayo ng isda sa paggawa.

Kung mahilig nga naman sa prito ang anak mo o pamilya, puwedeng-puwede itong subukan. Masarap din itong kainin kapag bagong luto na may kapares na kanin at sweet and spicy sauce.

TUNA AND OLIVE PASTA

Kung mahilig naman sa pasta ang miyembro ng pamilya, bakit hindi subukan ang Tuna and Olive Pasta. Napakadali lamang nitong lutuin at masarap pa. Kailangan mo lang ng penne pasta, pesto, tuna at olives sa paggawa nito.

Kaysa nga naman ang magpa-deliver pa ng pasta para sa buong pamilya, mainam kung kayo na mismo ang gagawa. Ma-titiyak pa ninyo ang kalinisan nito. At higit sa lahat, mas mapasasarap pa ninyo ito.

Nakatatamad din ang mag-isip ng iluluto sa pamilya lalo na kung araw-araw natin itong ginagawa. Nakauubos din kasi ng ideya kung ano ang kakaiba at masarap lutuin. Kaya minsan, kung ano na lang iyong sa tingin natin na mada­ling lutu-in, iyon ang ginagawa natin.

Para maging kakaiba ang ihahandang fish, lagyan ito ng twist. Kaya ano pang hinihintay ninyo, subukan na ang mga ideya na nakalista sa itaas at tiyak na matutuwa ang iyong buong pamilya. Tiyak ding sa bago mong ihahanda sa kanila, mapakakain sila ng marami.

Hindi natin kaila­ngang tipirin sa sarap ang ating pamilya. Dahil sabihin mang mura lang ang isang putahe, puwedeng-puwede nating i-level up ang sarap nito.

Happy cooking! CS SALUD

Comments are closed.