MULING hinimok ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 6 (Western Visayas) ang mga mangingisda at local government officials (LGUs) na sumunod sa closed season para sa sardinas, herrings, at mackerel sa Visayan Sea.
Nagsimula ang ban sa pangingisda at pagbebenta ng isda noong Biyernes at nakatakdang alisin ito sa Pebrero 15 sa sunod na taon, lahad ni BFAR-6 Director Remia Aparri.
“We call (on) our stakeholders, fisherfolk, and the local government units to cooperate for the three-month ban. Let us give our seas a rest, and be on guard against violators in one of our richest fishing grounds,” ani Aparri.
Pahayag niya na ang tatlong buwan na ban sa pangingisda ay sumasakop sa dagat ng Northern Iloilo mula Barotac Nuevo patungong Carles; Roxas City, Pilar, Pontevedra, President Roxas sa probinsiya ng Capiz; EB Magalona, Victorias City, Manaplan, Sagay, Cadiz City at Escalante City sa Negros Island; at Bantayan Island sa Northern Cebu.
Nagpakita ng scientific studies, sinabi ni Aparri na ang panahon na itinakda sa ban ay kinilala na breeding o spawning season para sa sardinas, herrings at mackerels.
“Let us allow these species to flourish after three months. They will support the population for fish for this generation and the future generations,” sabi niya.
Siniguro ni Aparri na nagpapatrol ang law enforcers sa karagatan ng Visaya para mahuli ang mga illegal na mangingisda.
Ang paghuli sa mga lalabag ay paniniguro nang pagpapanatili ng mga naturang isda at proteksiyon ng critical habitats na siyang sumusuporta sa marine aquatic organisms, na ang mga lalabag sa fishing ban ay pagmumultahin ng P6,000, pagkakulong ng anim na taon depende kung gaano kabigat ang paglabag at pagbawi ng mga nahuli at pagkansela ng permit o lisensiya sa pangingisda. PNA
Comments are closed.