INALIS na rin ang ipinatupad na fishing ban sa tatlong bayan sa Oriental Mindoro na dulot ng oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress noong Pebrero.
Ayon kay Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor, binawi na ang fishing ban sa Calapan City at mga bayan ng Bansud at Gloria.
Kasunod, aniya, ito ng naging rekomendasyon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 4B matapos pumasa sa pamantayan ang kalidad ng tubig at isda sa nabanggit na mga lugar.
Samantala, hindi pa rin pinapayagan ang pangingisda sa bayan ng Pola, Naujan at Pinamalayan dahil malapit ang mga ito sa pinaglubugan ng oil tanker.
Mayo 8 nang tanggalin ang fishing ban sa mga bayan ng Baco, San Teodoro, Puerto Galera, Bongabong, Mansalay, Bulalacao at Roxas.
-DWIZ 882