FISHING BAN SA PALAWAN INALIS NA

BFAR-4

TINANGGAL na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang tatlong buwang closed fishing season sa round scad o galunggong sa northeastern Palawan simula noong Enero 31.

Batay sa ulat ng National Stock Assessment Program ng region 4B, tumaas ang nakukuhang galunggong sa pamamagitan ng ring net sa 653.66 metric tons sa taong 2019.

Mula naman sa 170.07 metric tons, tumaas ang nahuhuling galunggong sa pamamagitan ng ring net sa 285.32 metric tons sa kaparehong taon.

Itinuturing  itong welcome development ni BFAR National Director Eduardo Gongona para matiyak ang suplay ng galunggong. DWIZ 882

Comments are closed.