(Fishing vessel tumaob sa Indian Ocean) 5 PINOY SEAFARER KASAMA SA 39 NAWAWALA

KINUMPIRMA  ng Chinese Embassy sa Pilipinas na limang Filipino seafarer ang kabilang sa 39 crew na naiulat na nawawala matapos tumaob ang isang Chinese fishing vessel sa Indian Ocean.

“Sad to learn reports of the capsizing of a Chinese fishing vessel, the Lu Peng Yuan Yu 028 (LPY28), where 39 sailors, including 17 Chinese and five Filipino citizens were confirmed missing,” sabi ng embahada sa isang pahayag.

Iniulat ng Broadcaster na CCTV at China News Service (CNS) na si Chinese President Xi Jinping ay nag-utos ng todong rescue operation para iligtas ang 39 na tripulante na nakasakay sa bangka.

Ang 17 iba pang tripulante ng barko ay mga Indonesian.

Sinabi ng CCTV na ang barko, na pag-aari ng Penglai Jinglu Fishery Co, ay tumaob alas-3 ng umaga noong Martes.

Binigyang-diin ng embahada na ito ay nasa malapit na koordinasyon sa Department of Foreign Affairs (DFA), Philippine Coast Guard, at iba pang ahensiya.

“We pray for the safety of all the sailors as we continue with the operations and coordination,” sabi nito.
Mahigpit na sinusubaybayan ng DFA ang sitwasyon.