FISHING VESSELS NG CHINA SA PAG-ASA ISLAND DUMAMI

NADAGDAGAN pa ang bilang ng namataang Chinese maritime militia at fishing vessels sa Pag-asa island sa West Philippine Sea.

Base sa monitoring ni US Maritime Security Expert Ray Powell, dumami sa 83 ang bilang ng naispatang barko ng China sa naturang karagatan.

Nauna nang iniulat ni Powell na naobserbahan ang aabot sa hanggang 75 barko ng China sa naturang isla na maituturing na pinakamalaking kumpulan sasakyang pandagat ng China   na namataan sa lugar.

 Nasa loob ng 2.5 hanggang 5.5 nautical miles ng isla ang mga ito na pasok sa 12 NM ng territorial waters ng Pilipinas.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad,  fairly accurate  ang naunang obserbasyon ni Powell sa bilang ng  Chinese vessels sa isla dahil ito ay malapit lamang sa Subi reef kung saan may artificial military base ang China.

VR