Mga laro ngayon:
(San Andres Sports Complex)
9 a.m. – Letran vs SSC-R (Men)
12 noon – Letran vs SSC-R (Women)
2 p.m. – San Beda vs EAC (Women)
4:30 p.m. – San Beda vs EAC (Men)
SISIKAPIN ng Letran na maipuwersa ang five-way tie sa second place sa pagharap sa San Sebastian sa NCAA women’s volleyball tournament ngayon sa San Andres Sports Complex.
May 2-1 record, target ng Lady Knights ang kanilang unang winning streak sa season sa 12 noon duel sa wala pang panalong Lady Stags.
Umaasa ang bottom squads San Beda at Emilio Aguinaldo College na makapasok sa win column at makaiwas na lalong mabaon sa standings sa isa pang laro sa alas-2 ng hapon.
Nanatiling walang talo ang defending champion College of Saint Benilde sa apat na laro, habang nakaipit ang Arellano University, University of Perpetual Help System Dalta, Lyceum of the Philippines University at Mapua sa second place sa 3-1.
Habang unti-unting nakakarekober si Cha Cuñada mula sa injury, ang Letran ay may iba’t ibang players na nangunguna sa scoring matapos ang tatlong laro.
Samantala, umaasa ang San Sebastian kina KJ Dionisio, Kath Santos at Amaka Tan.
Sa kabila ng kanilang malaking kontribusyon, ang Lady Stags, na katabla ang Lady Red Spikers at Lady Generals sa 0-3, ay hindi makapasok sa win column.