NAGBABALA ang Bureau of Immigration (BI) na huwag makipagtransaksiyon sa “fixers” at tanging sa awtorisadong mga opisyal lamang ng ahensiya sila makipag-usap.
Ang babala ay inisyu ni BI Commissioner Jaime Morente kasunod ng mga ulat ng patuloy na pakikipagtransaksiyon ng publiko sa mga fixer, travel agencies at law offices na hindi aw-torisado ng ahensiya kasunod sa kanyang kautusan na i-report ito sa ahensiya upang maimbestigahan.
Ayon pa sa BI Chief na pinaalalahanan nito ang mga dayuhang turista na huwag mag-overstay at kung malapit nang mag-expire ang kanilang pananatili sa bansa ay maaaring makipag-ugnayan sa ahensiya para humingi ng extension.
Payo ni Morente sa mga dayuhan na magtatrabaho sa bansa ay kinakailangan nilang kumuha ng special work permit o working visa habang sa mga estudyanteng banyaga ay kina-kailangang kumuha ng student visa.
Para naman sa mga resident aliens, kinakailangan nilang kumuha ng alien certificate of registration identity card (ACR I-Card). PAUL ROLDAN
Comments are closed.