FLAGSHIP PROJECTS NG GOV’T PABIBILISIN

ISINUSULONG sa Kamara na ma-institutionalize ang opisina ng Presidential Adviser for Flagship Programs and Projects na hiwalay na sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA).

Ito ay para magkaroon na ng sariling pondo ang tanggapan at mapabilis ang mga flagship project ng administrasyong Duterte.

Iminungkahi nina Northern Samar Rep. Paul Daza at Pampanga Rep. Aurelio Gonzales na gawin nang permanenteng opisina ang Presidential Adviser for Flagship Programs and Projects dahil bukod sa walang sariling resources ay nakikihati lamang din ito sa budget ng BCDA.

Anila, kung may hiwalay na tanggapan ay matitiyak na kahit pa magpalit na ng admi­nsitrasyon ay magpapatuloy pa rin ang mga inilatag na infrastructure projects ng kasalukuyang gobyerno.

Sa ngayon ay may 100 flagship o legacy projects ang administrasyong Duterte kung saan 44 sa mga ito ay inaasahang makukumpleto lagpas sa 2022 o sa pagtatapos ng termino ng Pangulong Duterte.

Hiniling naman ni Sec. Vince Dizon na isama ng Kamara sa 2021 national budget ang kanyang opisina. CONDE BATAC

Comments are closed.