FLAT GLASS SMUGGLERS, PINABABANTAYAN SA CUSTOMS

FLAT GLASS

PINATUTUTUKAN na rin ng Department of Trade and Industry (DTI)   ang ilegal na pagpasok sa bansa ng mga smuggled flat glass na posibleng makaapekto sa construction industry sa bansa.

Sa naunang Department Administrative Order (DAO) na inilabas ng DTI, inaatasan nito ang Bureau of Product Standard (BPS) na maglunsad ng mas agresibong kampanya laban sa mga manufacturer at importer ng mga flat glass upang maprotektahan ang consumers.

Lumitaw sa imbestigasyon ng DTI na may mga manufacturer at importer na nagpapalusot ng mga substandard flat glass na nagagamit sa mga mata-taas na gusali sa mga business district sa Metro Manila at mga lalawigan.

Sa pamamagitan ni DTI-BPS Director, Engr. James Empeno, mas naging aktibo ang kampanya laban sa mga flat glass kasunod ng mga impor-masyong dumating sa ahensiya na may mga smuggler ang nakalulusot at nakapapasok sa bansa.

Nanawagan ang DTI sa Bureau of Customs sa mahigpit na pagbabantay sa mga pantalan upang hindi makapasok sa bansa ang mga substandard flat glass.

Sinabi ng DTI na malaking panganib sa publiko ang paggamit ng mga subtstandard flat glass, lalo na sa mga matataas na gusali, dahil hindi nito kinakaya ang malakas na hampas ng hangin at kahit mahinang pagyanig ng lupa.

Apela ng DTI sa publiko, ipagbigay-alam sa kanilang tanggapan ang mga construction company na tumatangkilik sa mga substandard flat glass para maipagharap ng kaukulang kaso.

Comments are closed.