IGINAGALANG ng ilang eksperto ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila at ilang karatig probinsya.
Ayon kay University of the Philippines OCTA Research Group Member Prof. Guido David, dahil sa dalawang linggong pag-iral ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ay muntik nang maabot ng Filipinas ang ‘flattening of the curve’ o pagbaba ng bilang ng nagkakasakit ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Hindi nga lang aniya maikukumpara ito sa malaking impact ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) tulad sa Cebu kung saan naramdaman ang ‘flattening of the curve’ matapos ang 30 araw na lockdown.
Samantala, sinabi ni David na hindi sapat ang naging pahinga ng mga medical professional sa nakalipas na dalawang linggong MECQ dahil nanatiling puno ang mga ospital.
‘Yung trend din naman napabagal din natin ang trend. Ang nakita lang namin is puno pa rin kasi ang mga hospitals, e. Ang sinasabi ng mga doctors, oo, naka-time out sila, pero parang hindi pa rin sila nakakahinga ng —kasi overwhelmed pa rin sila sa hospitals dahil puno pa rin,” ani David sa panayam ng Balitang Todong Lakas sa. DWIZ882
Comments are closed.