FLATTERING OUTFIT NA PERFECT NGAYONG SUMMER

summer

SA tindi ng init ng panahon, napakahirap mag-isip ng outfit na maaari nating suotin sa opisina o maging sa mga dadaluhang pagtitipon. Dahil mainit nga naman ang panahon, gus-to nating magsuot ng mga outfit na makapagbibigay-ginhawa sa ating kabuuan.

Hindi nga naman lahat ng outfit o damit ay swak ngayong summer. May ilang outfit na maganda pero mainit sa katawan.

Mahirap ding mag-isip ng mga isusuot kapag araw-araw kang nagtutungo sa office. O kapag lagi kang may lakad. Kung araw-araw ka nga namang nag-oopisina, talagang mawawalan tayo ng ideya sa kung ano ang swak suotin. Pagiging presentable at komportable pa man din ang kailangan nating isaalang-alang sa pagpili ng isang outfit.

Hindi lang maganda ang kailangan nating isaisip pagdating sa susuotin natin kundi ang pagiging presko nito sa katawan. Kung presko sa katawan ang suot natin, hindi agad-agad iinit ang ating mga ulo. Mabilis pa namang uminit ang ulo ng marami kapag tila nagliliyab ang paligid.

Isa nga naman sa dapat nating iwasan ngayong summer ang pagsusuot ng mga damit na nakadaragdag sa init na ating nadarama. Kaya narito ang ilang flattering outfit na perfect suotin ngayong summer sa trabaho man o galaan:

LOOSE AT FLOWY STYLES

Isa sa kailangan na­ting subukan ngayong summer ay ang mga loose at flowy styles. Maraming kababaihan ang mahilig mag-suot ng fit na mga damit dahil na rin sa maganda itong tingnan. Pero ngayong summer, hindi lamang mga hapit sa katawan ang puwede nating subukang suotin kundi ang mga loose o maluluwag.

Ang mga loose at flowy na outfit o damit ay nakatutulong upang mapreskuhan ang ating kabuuan. Kaya ngayong summer, hu-wag limitahan ang isusuot at sumubok ng mga klase ng outfit na hindi pa nasusubukan. Pero siyempre, siguraduhin lang din na bukod sa presko o komportable ka sa suot mo ay bagay ito sa iyo at hindi ka nag-aalangan sa pagsusuot nito.

FIT AND FLARE DRESS

Kung ikaw naman ang tipo ng taong ayaw magsuot ng mga loose na damit, maaari rin namang subukan ang fit and flare outfit. Maganda ring tingnan ang ganitong outfit at swak na swak kapag mainit ang panahon. Puwede rin iton pampasok sa opisina at ga-laan.

Sa ganitong outfit naman, iwasan lang ang sobrang fit. Kaila­ngang tama lang ang pagkakahapit nito sa katawan nang hindi pu-mangit tingnan.

SLEEVELESS SHIRT DRESS

Isa rin ang dress sa kaysarap suotin kapag mainit ang panahon. Napakadali lang din nitong suotin kaya swak ito sa mga nag-mamadaling kababaihan.

May mga panahon nga namg nagmamadali tayo at kung maghahanap pa tayo ng pants at blouse, tiyak na mahihirapan tayo sa pagsusuot pa lang nito. Kaya madalas kapag nagmamadali na ako at wala nang panahon, dress ang kaagad na pinipili kong suotin. Wala nga namang kahirap-hirap ang pagsusuot nito. Bagay rin ito sa kahit na anong okasyon. Swak din ito sa kahit na anong pansa-pin sa paa—heels man, flats o close shoes.

PLUS SIZE COLD-SHOULDER MAXI DRESS

Hindi lamang din ang mga payat ang puwedeng maglabas ng balikat o magsuot ng cold-shoulder maxi dress. Swak din ito sa mga plus size na kababaihan. Kapag ganito nga namang mainit ang panahon, kung nagnanais na maging fashionista ang kahit na sino sa atin, mainam ang pagsusuot ng mga cold-shoulder dress.  Maganda itong tingnan at bagay rin sa kahit na anong hugis ng katawan.

SUMMER SANDALS AND SHOES

Mga bulaklaking sandals at sapatos naman ang swak ngayong summer. Pero siguruhin lang din na breathable ang susuo­ting sapatos nang hindi magkaamoy o magpawis ang mga ito.

Kapag summer, isa pa naman sa problema ng marami ang pagpapawis ng paa. Hindi nga naman ito maiiwasan.

Isa namang tip para hindi magkaamoy o magkaproblema ang paa, huwag aaraw-arawin ang paggamit ng iisang sapatos o san-dals. Kung isi­nuot ngayon ang sapatos o sandals, makabubuti kung iba ang susuotin kinabukasan para matuyo muna ito at hindi magkaroon ng amoy.

Maraming outfit ang swak kapag summer. Hindi rin natin kailangang bumili ng bago dahil tiyak na mapakikinabangan o mag-agamit pa natin ang mga damit na mayroon tayo. Basta’t sa pagpili ng isusuot na damit, isaa­lang-alang ang pagiging komportable nito. (photos mula sa google)

SUMMER SANDALS

“Summer’s the perfect time to find a new pair of sandals. I like slide sandals for their comfort & ease (just like flip flops!). Metallic and textured straps add so much more style to your step and take any summer outfit to the next level.”  CT SARIGUMBA

 

 

 

One thought on “FLATTERING OUTFIT NA PERFECT NGAYONG SUMMER”

Comments are closed.