ITINUTULAK ni Senador Joel Villanueva ang isang panukalang batas na magkakaloob sa mga empleyado at employer ng opsiyon na magpatupad ng flexible working arrangements, lalo na sa bilang ng working hours.
Ayon kay Villanueva, inihain niya kamakailan ang isang panukala na mag-aamyenda sa Article 83 ng La-bor Code of the Philippines na nag-uutos na ang mga empleyado ay kailangang magtrabaho ng walong oras kada araw sa loob ng limang araw.
“This is a relatively simple and straightforward bill that seeks to amend Article 83 of the Labor Code by making an exception to the normal eight (8) hours of work a day when the exigency of business operations or national emergency requires the adoption of a mutually agreed voluntary work arrangement between the employer and the employee,” wika ng senador.
Sa ilalim ng panukala, ang employer at mga empleyado ay magkakasundo sa work arrangements, sa kondisyon na ang oras ng trabaho ay hindi lalagpas ng 48 hours kada linggo, at hindi babawasan ang mga kasalukuyang benepisyo.
Naniniwala si Villanueva na ang alternative working arrangement o flexible working ay hindi lamang basta isang ‘fad’ kundi pangangailangan.
“We strongly believe that every Filipino worker deserves that we recognize it under our laws,” aniya.
“Now more than ever, companies allow non-traditional working arrangements like flexitime, four-day workweek, compressed workweek, working from home, shift flexibility, among others, to give their workers more independence and control over their work,” dagdag pa ng senador.
Aniya, sa pag-aaral na isinagawa sa England ay lumitaw na ang mga manggagawa ay higit na nagiging produktibo kapag binibigyan sila ng pagpapasiya o kontrol sa kanilang trabaho.
“The research showed that at least 15 percent of workers in the European Union have the freedom to change the beginning and ending times of their work, and approximately 5 percent of all workers across Europe have complete independence over their work.” V. CERVALES
Comments are closed.