FLIGHT OPERATION BALIK NORMAL NA

Cebu Pacific Air

BALIK sa normal ang operation ng Cebu Pacific Air (CEB) magmula kanina matapos ang tatlong araw na kanselasyon ng kanilang mga flight bunsod sa pagkabalaho ng Xiamen Air sa may maputik na lugar ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Naging sanhi sa pagkakansela ng 150 international at domestic flights at pagka-stranded ng humigit kumulang sa 50,000 mga pasahero sa apat na paliparan ng Ninoy Aquino International Airport.

Kaugnay nito, inabisuhan ng Cebu Pacific ang lahat ng  mga na-stranded nilang pasahero na magpa-rebook sa loob ng 30 araw para sa kanilang panibagong flight schedule.

Ayon pa sa pamunuan ng Cebu Pacific, binibigyan ng option ang kanilang mga pasahero. Walang babayarang penalties sa rebooking para makaalis sa loob ng 30 araw o i-convert ito sa travel fund  o kaya full refund sa ibinayad na ticket.

Ang mga pasahero na nais magpa-rebook o kaya mag-full refund sa ibinayad na  ticket ay pinayuhang magtungo na lamang sa kanilang Manage Booking sa Cebu Pacific office at sa kanilang website (www.cebupacificair.com) o mag-message sa official Facebook (facebook.com/cebupacificair) at twitter (@CebuPacificAir).

Nagpa-abot naman ang pamunuan ng Philippine Airlines (PAL ) ng pasasalamat sa mga  ahensiya ng pamahalaan sa pagbibigay ng tulong sa kanilang mga pasahero na nakansela ang mga flight schedule. FROI MORALLOS

Comments are closed.