FLIGHT SA KOREA AT PABALIK NG PINAS KINANSELA NA CEBUPAC

Cebu Pacific-3

KINANSELA  na ng Cebu Pacific ang kanilang mga flight na patungong South Korea at pabalik ng Filipinas.

Ito ay sa gitna na rin ng nararanasang outbreak ng coronavirus disease (COVID-19) sa South Korea gayundin ng ipinatutupad na travel ban doon.

Sa abiso ng Cebu Pacific, kanselado na ang biyahe ng flight 5J 188-187 na Manila-Incheon-Manila; 5J 128-129 na Cebu-Incheon-Cebu at 5J 180-181 na Kalibo-Incheon-Kalibo mula Marso 3, Lunes hanggang Abril 30, Huwebes.

Ayon sa pamunuan ng Cebu Pacific, maaari namang i-rebook ngayong araw hanggang Marso 2 ng mga apektadong pasahero ang kanilang flights o palitan ng mga bagong flight hanggang Hunyo 30.

Maaari ring mag-avail ang mga apektadong pasahero ng refund o gawing travel fund na magagamit nila sa susunod na biyahe.    DWIZ882

Comments are closed.