EPEKTIBO ngayong araw ay hindi na papapasukin sa Filipinas ang lahat ng mga biyahero na magmumula sa United Kingdom bunsod ng ulat na COVID-19 mutation sa nasabing bansa.
Ang desisyon ay ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Martes ng gabi sa layuning maiwasan ang rate attack ng coronavirus disease sa bansa.
“President Duterte approved the temporary suspension of all flights from the United Kingdim starting December 24, 12:01 a.m. up to December 31, 2020,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.
Batay pa sa kautusan, ang lahat ng mga pasahero na nasa UK ng 14 araw ay kasama sa hindi na muna papapasukin sa bansa at maging ang nag-stop over doon.
Gayunman, ang mga pasahero na nagbiyahe na bago ibaba ang kautusan at dumating sa bansa bago mag-alas-12:01 ng umaga ngayong araw ay maaari namang makapasok sa Filipinas.
Gayunman, daraan sa mahigpit na health protocols ang mga biyahero gaya ng pag-quarantine ng 14 araw sa Athlete’s Village sa New Clark City kahit negatibo sa RT-PCR Test result. Habang ang mga outbound passengers na patungong UK ay daaan din sa umiiral na exit protocols ng Filipina at UK.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, maaaring ang test ay false negative lalo na kung maagang na-swab test ang mga pasahero.
Dagdag pa ni Duque, baka ang viral load ay tumaas na lamang sa bandang huli kaya mabuti pa ring mag-quarantine ang mga bi-yaherong galing UK. EVELYN QUIROZ, ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.