MAYNILA – HINIHILING ng residente sa Intramuros at Ermita sa Department of Public Works and Highways (DPWH) partikular na kay Secretary Mark Villar na madaliin ang flood control project sa Intramuros upang maibsan ang nararansan nilang baha kapag dumarating ang tag-ulan.
Ang proyekto ay ang drainage mula sa Padre Burgos Avenue magmula sa Luneta Pumping Station hanggang Anda Street.
Ayon sa mga residente, katabi ng proyektong ito ang P. Burgos na nagbibigay ng access sa mga malalaking daan katulad ng Taft Avenue, Rizal Avenue, Roxas Boulevard, at Quezon Boulevard, na sinasabing isang flood prone areas sa Metropolis.
Ang flood control na ito ay kasama ang dalawang submersible pump na may kapasidad na 0.75 cu. meter per second ang lakas ng agos ng tubig papuntang Manila Bay dahil malaki ang tubo na may sukat na 600 x mm. pipe at haba na 2,268.5 linear meters. FROI MORALLOS
Comments are closed.