FLOOD CONTROL PROJECTS REPASUHIN

DAHIL  sa malaking pinsala hindi  lamang sa mga ari-arian kundi sa buhay ng marami ang nagdaang malawakang pagbaha, lumakas ang panawagan na  napapanahon nang repasuhin ang  flood management master plan ng Metro Manila.

Nagdudulot ng labis na pangamba ang babala ng weather bureau na habang tumatagal ay lalong tumitindi ang mga dumarating na bagyo.

Bagamat itinanggi ng Department of Public Works and Highways kamakailann na hindi epektibo ang flood control programs ng gobyerno, na napakinabangan  naman sa mga nakaraang pagbaha, maaring may mga areas na kailangan ang pagsusuri pa o pag-update.

Kung patuloy na nagiging matindi ang  dulot ng climate change, hindi dapat masanay sa pagbaha ang Metro Manila at iba pang lugar.

Ang pagkilos  ng gobyerno ang kailangan  para maresolba ito, kung kinakailangang ma-update o marebisa ang flood control masterplan, ito ay dapat din na ganap na  maipatupad.

Sa panig ng publiko  naman ay itapon sa tama ang mga basura.

Matuto na sana ang lahat sa leksiyon ng kalamidad.