FLOOD WARNING SA 5 REHIYON

BICOL – UPANG balaan ang mga residente na nasa hazard-prone areas dahil sa banta ng Bagyong Ofel, naglabas ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng general flood advisory para sa limang rehiyon sa bansa.

Kinabibilangan ito ng CAR (Cordillera Admi­nistrative Region), Region 1 (Ilocos Region), Region 2 (Cagayan Valley), Region 4A (CALABARZON), Region 5 (Bicol Region), at Region 8 (Eastern Visayas).

Nagsimula na ang ma­tinding pag-ulan dulot ng bagyong Ofel.

Kabilang sa tinutukan ng pamahalaan ang Eastern Visayas gaya sa Northern Samar, Eastern Samar, Bi­liran, Samar, at Southern Leyte.

Sa Cordillera Administrative Region ay ang Benguet, Mt. Province, Apayao, Ifugao, Kalinga, at Abra.

Apektado rin ang lahat ng probinsya sa Ilocos Region tulad ng Ilocos Sur, Ilocos Norte, Pangasinan at La Union.

Sa Cagayan Valley, apektado ang mga probinsiya ng Isabela, Quirino, Cagayan at Nueva Vizcaya.

Sa Calabarzon, tanging ang probinsiya ng Quezon ang tinukoy na apektado sa general flood advisory.

Ang mga naturang lugar ay dati nang nakaranas ng tuloy-tuloy na pag-ulan sa mga nakalipas na Linggo mula pa noong manalasa ang bagyong Kristine noong kalagitnaan ng Oktubre.

EUNICE CELARIO