ISA itong sport na hindi pa rin pamilyar sa mga Filipino, subalit nangakong magbibigay ng karangalan sa bansa sa 30th Southeast Asian Games.
Magbabalik ang floorball sa SEA Games calendar of events kung saan magiging host ang bansa sa biennial meet sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 at umaasa ang sport na mawawalis ang gold sa men at women’s divisions.
“I think we can win both golds in the SEA Games,” wika ni team manager Peter Eriksson sa weekly Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum kahapon sa Amelie Hotel-Manila.
Inilarawan ni Philippine Floorball Association President Ralph Ramos ang sport bilang ‘hockey minus the skates.’
“And you don’t play on ice. You just need a stick, a ball, rubber shoes and you’re ready to go,” anang floorball official, na sinamahan nina coach Noel Alm Johansson at player Ryan Hallden.
“The game is played with the object of shooting the ball in the goal with the use of a stick. It is played 5-on-5 plus a goal keeper each, with each team maximizing all 20 players in their roster.”
“It’s very fast-paced, very exciting, and yung nature ng sport is easy to play,” sabi ni Ramos.
Una itong nilaro sa 2015 edition ng SEA Games, kung saan nangulelat ang mga Pinoy sa apat na bansa na sumabak.
“’Yung team natin talagang last dahil inexperienced pa tayo,” ani Ramos.
Subalit ang patuloy na foreign exposure sa kabila ng limitadong budget ng federation ay nakatulong sa pag-unlad ng koponan at ng sport sa bansa.
Sa Hulyo 7-12, ang Filipinas ay magiging host sa Asia-Oceania Floorball Confederation Cup (AOFC Cup) na gaganapin sa Alonte Sports Complex sa Binan at bahagi ng paghahanda ng federation para sa SEA Games.
“We hope to surprise everyone in this tournament and be a good build up for our campaign in the SEA Games,” wika ni Ramos patungkol sa Asia-Oceania meet na gaganapin ngayong weekend.
Ang Thailand at Singapore ay nananatiling pinakamalaking banta sa gold medal bid ng mga Pinoy sa SEA Games, na lalahukan din ng Malaysia at Indonesia.
Comments are closed.