HINDI kilala sa maraming Pinoy, ang floorball ang unang nagbigay ng panalo sa bansa nang pataubin ng national women’s team ang Indonesia, 8-1, sa 30th Southeast Asian Games kahapon.
May pagkakahawig sa mas sikat na ice hockey, ang floorballl events ay umarangkada sa UP College of Human Kinetics Gym sa Diliman, Quezon City, kung saan nakuha ng mga Pinay ang panalo sa isang lopsided match.
Naitala ni forward Jade Rivera ang limang goals, kabilang ang tatlong hits sa first period, na naglagay sa talaan sa 5-1 sa unang 20 minuto.
“We didn’t expect to win this big. We only prepared as a team for one week, but I guess everyone wanted to win as one, just like the motto of the SEA Games,” wika ni Rivera.
Sa isang highly physical match, unang kumamada si Team Philippines Michelle Jennifer Lindahl ng goal sa 2:45 mark. Sumagot si Yosi Nurmalida Pramatiara ng Indonesia answered back sa kanyang nag-iisang goal upang maitabla ang iskor.
“I think we had a good start. We know the Indonesians are really good and fast,” sabi ni coach Noel Johansson. “We have worked on our defense very much. Our defenders had a fantastic job.”
Ani Johansson, kailangan nilang talunin ang powerhouse teams Singapore at Thailand para magkaroon ng pagkakataon sa gold medal.
“If we can beat Thailand and Singapore, then we can have a good chance of winning the gold,” aniya.
Comments are closed.