FLOYD JR. ISUNOD NA

MAYWEATHER AND PACQUIAO

SI MAYWEATHER  naman!

Ito ang  pahayag  kahapon ni Senate Majority Leader Migz Zubiri kasunod ng pagkapanalo ni Senador Manny “Pacman” Pacquiao laban kay Adrien Broner.

Matagal nang hinihimok ang pambansang kamao  na muling labanan si Floyd Mayweather Jr.

“Manny Pacquiao once again shows the World his superhuman Strength and his Super Human Heart of true Champion. He is a Champion of the ages, winning Championships throughout his two and a half decades of boxing and defying father time,” ayon kay  Zubiri.

Para naman kay  Senador Win Gatchalian, inspirasyon ng lahat ng Pinoy si Pacquiao.

“Siya ang patunay na walang imposible if you put your heart and mind to it. May Manny continue to serve as an inspiration to all Filipinos here and around the world,” dagdag pa ni Gatchalian.

Ayon naman kay Senador Joel Villanueva, malaking bagay ang laban ni  Pacman sa pagkakaisa ng mga Filipino.

“Once again, he brought our country together, and we can all be proud of his latest accomplishment in his stellar boxing career,” diin ni Villanueva.

Pinasalamatan ni Senador Sonny Angara si Pacman sa pagbibigay ng kasiyahan at karangalan sa Filipinas.

Iginiit naman ni Senador Nancy Binay na mu­ling pinatunayan ni Pacman na isa itong bayani sa puso ng sambayanan.

Matatandaang kumalat ang ulat  na maaa­ring maitakda ang Mayweather vs Pacquiao Part 2 sa Hulyo ng taong  kasalukuyan.

Nais umano ni Floyd  na sa Hulyo ang laban at tinitingnan  ang posibleng venue na London o Russia.

Nauna nang inihayag ni Floyd Jr. na handa siyang muling harapin si Pacquiao para sa rematch ng kanilang blockbuster show-down noong 2015.

61  PANALO NI PACMAN  NAITALA; PALASYO, ARMED FORCES NAGBUNYI

KAISA  ng samba­yanang Filipino, agad na nagpahatid ng kanilang pagbati  ang  Malakanyang,  Armed Forces chief of staff Gen. Benjamin Madrigal Jr. at Philippine Army chief Ltgen Macairog Alberto kay Pambansang Kamao  Sen. Manny Pacquiao nang matagum­pay niyang maidepensa ang kaniyang World Boxing  Association (WBA)  Welterweight Championship belt kontra kay American boxer Adrien Broner via unanimous decision kahapon.

“The 40-year-old “Pambansang Kamao” displayed his vintage form just like in his heyday and dominated Broner, who went back-pedaling, in full twelve rounds of battle,” pahayag ni Presidential spokesperson Salvador Panelo.

Labing isang taon ang tanda ni Pacman  kay Broner.

Pinasalamatan  din  ng Malakanyang si Pacman dahil hindi lamang ito nagdala ng karangalan kundi muling pinagkaisa ang lahat ng mga Filipino sa buong bansa dahil sa kanyang ipinakitang lakas, kapangyarihan at kagalingan.

“We thank our pound-for-pound King for not only bringing honor and glory to our flag, but for once again uniting all Filipinos worldwide with his display of athleticism, power and Filipino pride. Mabuhay ka, Manny! Mabuhay ang Filipinas!”  dagdag ni  Panelo.

Sa pahayag  naman ni  Gen. Madrigal sa panalo ni Pacquiao na isa sa kanilang Army Officer, “On behalf of the men and women of the armed forces, our congratulations and deepest respect to Senator Manny Pacquiao.”

Umaasa ang AFP  na  maimbitahan nila ang Peoples champ sa AFP General Headquarters para ipagdiwang ang kanyang panalo at magbigay pugay.

“I hope we can invite him here at GHQ to celebrate his victory and give our respect. He has the heart of a true champion, the heart of a Filipino soldier and warrior,” anang heneral.

Halos nagkaisa ang tatlong ring judges sa inilabas nilang scorecard na  117-111, 116-112, 116-112 pabor kay Paquiao na isang Army reserved colonel.

Dahil dito, ito na ang ika-61 na panalo ni Pacquiao sa kaniyang 70 professional fights habang may pitong talo at apat na tabla.

Sa kabila ng agwat sa edad, pinaulanan ng suntok ni Pacquiao ang American challenger.

Naganap ang bakbakang Pacman-Broner sa MGM Grand Arena sa Nevada, USA. EVELYN QUIROZ, VERLIN RUIZ