IBINALITA ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas na dumating na ang inorder nilang mga paracetamol, phenlyprepanolamine na para sa ubo, sipon, lagnat at mga vitamin C.
Kaya’t sinimulan na ang pamimigay ng pamahalaang lungsod ng naturang mga gamot at bitamina kung saan siniguro na lahat ng pamilyang Navoteño ay mabibigyan.
Umabot na sa 5,240 ang napuntahan at nabigyan ng distribution teams.
Ibinabahay-bahay ang pamimigay ng mga gamot at vitamins para hindi na kailangang pumila kaya hintayin na lamang ang distribution teams sa mga hindi pa napupuntahan.
Humingi rin ng pag-unawa ang lokal na pamahalaan kung hindi mabilisan ang distribution dahil nabawasan ang kanilang ating teams na namimigay ng gamot dahil ang iba ay nagkasakit. EVELYN GARCIA