FOI BILL MULING INIHAIN SA SENADO

Senadora Grace Poe-4

INIHAIN muli ni Senadora Grace Poe ang Freedom of Information (FOI) bill na naglalayong obligahin na gawing bukas sa publiko ang lahat ng kontrata, kasunduan, gastusin at transaksiyon ng mga ahensiya ng gobyerno.

Ito ang nakapaloob sa panukala ni Poe na pinapasapubliko rin ang lahat ng utang, compromise agreement at mga kasunduan ng Filipinas sa ibang bansa.

Pinalalantad din ng panukala maging ang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ng Pangulo, ikalawang Pangulo, mga mambabatas, mahistrado ng Korte Suprema at iba pang matataas na opisyal ng pamahalaan.

Gayunpaman, magiging exempted lamang sa pagsasapubliko ang impormasyon na may kinalaman sa national defense at nation-l security, kapag maaring makaapekto sa diplomatikong ugnayan natin sa ibang bansa at kapag may nakatayang trade at commercial secrets o kaya mga personal at sensitibong impormasyon sa tao.

At hindi rin oobligahing ipaalam sa publiko ang mga nangyari sa executive sessions ng Kongreso.  VICKY CERVALES

Comments are closed.