NANGAKO si Senadora Grace Poe na isusulong ang Freedom of Information (FOI) law na nagbibigay ng “mas maraming access sa impormasyon kaysa sa mga paghihigpit.”
Ginawa ni Poe, dating tagapangulo ng Senate committee on public information, ang pangakong ito matapos ang isang memorandum circular, na nagtatakda ng higit pang mga paghihigpit sa public disclosure, na inilabas ng Malacanang noong Huwebes.
“While an executive order on Freedom of Information (FOI) is laudable, our overarching goal is to institutionalize it through a law,” ani Poe.
“We will continue to push for an FOI law — one that gives more access to information than restrictions.”
Giit ng mambabatas, may karapatan ang indibidwal sa impormasyon sa mga isyung nakaaapekto sa kanila.
“Transparency is crucial to accountability. Without transparency, our people cannot access the information needed to participate in effective governance,” ani Poe.
“Every Filipino has a right to information of public concern. This is a sacred element in empowerment and democracy.”
Ilang panukala na ang inihain ni Poe sa nakalipas na pagsusulong ng FOI law.
Ang Memorandum Circular No. 5, na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Marso 17, ay nag-update sa Executive Order (EO) No. 2 ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa FOI. LIZA SORIANO