FOOD BAZAARS SA TAGUIG ARANGKADA NA

PINAHINTULUTAN na ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang mga food bazaars sa lungsod na makapagsimula na ng operasyon sa kanilang mga negosyo habang ang National Capital Region (NCR) kabilang ang mga karatig lalawigan na Cavite, Laguna, Bulacan at Rizal o NCR Plus ay nasa ilalim ng kasalukuyang ipinapatupad na Heightened General Community Quarantine (HGCQ).

Sa kanilang bulletin ay sinabi ng Taguig Safe City Task Force na ang mga food bazaars sa lungsod ay pinapayagan na Department of Trade and Industry (DTI) matapos mag-isyu ng klaripikasyon tungkol sa operasyon ng Mercato Centrale outdoor food market na matatagpuan sa Bonifacio Global City (BGC).

Sa sulat na Taguig Mayor Lino Cayetano kay DTI Sec. Ramon Lopez, nakasaad dito na, “The DTI considers the operations of Mercato as a food retail establishment that offers al fresco or outdoor dining,” (Ikinokonsidera ng DTI ang operasyon ng Mercato bilang food retail establishment na nag-aalok ng al fresco o outdoor dining).

Nakasaad din sa sulat ni Cayetano kay Lopez ang kanyang hiling na ang Mercato at mga kahalintulad na establisyimento nito kabilang ang mga kiosks, commissaries, restaurants at mga eateries ay maituring na food retail establishments at hindi food bazaars na nakasaad sa protocols ng the Taguig Safe City Task Force.

Sinabi naman ng Taguig Safe City Task Force na base sa pahayag ni Lopez ay aayusin nito ang guidelines sa food bazaars at iba pang kaparehong pagtitipon at establishments.

Niliwanag ni Lopez sa lahat ng nagmamayari ng food preparation establishments, organizers ng food bazaars at mga kaparehong establishments na ang food bazaars ay kanilang ikinokonsiderang food retail establishment na pinapayagang mag-operate habang ang lungsod ay napapailalim sa HGCQ na magtatagal ng hanggang Mayo 31.

Matatandaan na dati nang hindi pinayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang operasyon ng mga food bazaars dahil noong una ay ikinokonsidera nila itong kahalintulad lang ng MICE events na base sa DTI guidelines ay ipinagbabawal ang operasyon nito habang nakapailalim sa HGCQ. MARIVIC
FERNANDEZ

Comments are closed.