SINALUBONG ng ilang opisyal ng pamahalaan at tauhan ng United Arab Emirates Embassy sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang donasyon ng United Arab Emirates na tinatayang aabot sa 800,000 kilogram ng ibat-ibang pagkain para sa mga Pilipino na sinalanta ng nakaraang bagyong.
Kabilang sa mga sumalubong si Ma. Anna Kathryna Yu-Pimentel, Special Envoy to the United Arab Emirates for Trade and Investment; Rex Gatchalian Secretary of Social Welfare and Development; Interior Secretary Benjamin Abalos Jr.; UAE Ambassador Mohamed Obaid Alqattam at Reichel Quinones, Chief Presidential Protocol and Presidential assistant on Foreign Affairs.
Ayon sa report, ang naturang mga pagkain ay dumating kahapon ng gabi sa NAIA Terminal 2 lulan ng United Arab Emirates cargo plane na kinabibilangan ng 2,464 pack bags ng 900 grams ng gatas, 5 kilogram flour, 400 grams tea, 5 kilograms ng bigas, 1.5 litro ng mantika, I kg red lentils, I kg peas, I kg dates, 375 mg tang powder.
Kasama din ang 500 grams oats, 850 mg tomato paste, 2kg sugar, 1 kg salt, 4,928 packages ng delata, 400 grams pasta, 400 grams green peas, 400 grams red kidney beans, 9,856 cans ng 170 grams ng tuna at chickpeas.
Kaugnay nito, nagpasalamat ang pamahalaan sa ipinagkaloob na tulong ng United Arab Emirates sa mga biktima o naapektuhan ng bagyong si Carina.
FROILAN MORALLOS