FOOD INFLATION TUTUTUKAN

Organic Food

NAKAHANDA ang House Committee on Agriculture and Food na gamitin ang buong kapangyarihan nito, kabilang ang pagsasagawa ng imbestigasyon o pagdinig, para suportahan ang adhikain ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing abot-kaya ang presyo ng mga produktong pagkain.

“Upon the instruction of our Speaker Martin G. Romualdez and in line with the desire of President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. to make food products affordable, we will observe and address food inflation,” wika ni Quezon Rep. Mark Enverga, chairman ng naturang komite.

“We will not be intimidated by pressure from any source. We are here to serve our people’s interests under the PBBM administration,” dagdag ng Quezon lawmaker.

Magugunita na matapos na sumipa sa hanggang P800 kada kilo ang presyo ng sibuyas sa huling bahagi ng 2022 ay agad na nagsagawa ang komite ni Enverga ng pagsisiyasat hinggil dito.

Ang naturang pagdinig ay nagresulta sa unti-unting pagbagsak sa presyo ng naturang agri product, na sa una ay bumaba sa P700 hanggang sa maging P160 per kilo na lamang ito.

Sa pagpupursige ng nabanggit na komite, kung saan naging lead investigator nito si Marikina Rep. Stella Quimbo, natukoy rin kung sinu-sino ang nasa likod ng price manipulation at hoarding ng sibuyas, kabilang ang ilang opisyal ng Department of Agriculture (DA).

ROMER R. BUTUYAN