FOOD PACKS SA NAKA-HOME QUARANTINE COVID PATIENTS

PINAGKALOOBAN ng lokal na pamahalaan ng Las Piñas ng food packs at hygiene kits ang may 1,533 pasyente ng CO­VID-19 na naka-home quarantine sa kani-kanilang mga tahanan.

Base sa datos ng lokal na pamahalaan,nasa 4,903 pasyente ng COVID-19 ang naka-home quarantine at 2,560 sa bilang na ito ay nakatanggap na ng food packs at hygiene kits.

Ang bawat food pack ay naglalaman ng 10 kilos of rice, canned goods, noodles, biscuits, Vitamin-C, paracetamol at lagundi tablets habang ang ipinamamahaging hygiene kits ay mayroong toothbrush, toothpaste, alcohol, sabon, shampoo, face mask, face shield at oximeter.

Patuloy na pagkakalooban ng lokal na pamahalaan ng kinakailangan ng mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 kabilang na dito ang mga naka-home quarantine.

Kaya’t panawagan sa mga residente na magparehistro na sa programang baksinasyon ng lungsod para sa “Ligtas na Las Pinero, Lahat Bakunado”.

Sa huling datos ng City Health Office (CHO), mayroon pang 180 aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan 74 sa bilang na ito ang mga bagong kaso ng virus. MARIVIC FERNANDEZ

3 thoughts on “FOOD PACKS SA NAKA-HOME QUARANTINE COVID PATIENTS”

  1. 79738 100202The truth is and see if the Hcg diet protocol and as a consequence HCG Drops surely are a in fact quick way to be able to shed pounds; whilst the healthy diet has a strong will most likely moreover sizable focus to undertake positive. hcg diet drops 462939

Comments are closed.