FOOD PRODUCTION SISIPA SA MOBILE SOIL LAB

MAGANDANG hakbang ang plano ng pamahalaan na bumili ng 16 na Mobile Soil Laboratory (MSL) para sa  pagsusuri ng lupaing pang-agrikultura sa bansa  at ipakakalat ito sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Kasunod ito ng ang launching ng kauna-unahang mobile soil laboratory ng Department of Agriculture-Bureau of Soil and Water Management na bahagi pa rin ng pagtutok ng gobyerno sa pagpapaunlad ng agrikultura sa Pilipinas at matiyak ang seguridad sa pagkain ng mga Pilipino.

Una ngang sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr.,  makatutulong ng malaki sa mga magsasaka ang nasabing mobile soil lab para sa epektibong paggamit ng pataba, mapahusay ang ani at mapaganda ang produksyon ng mga ito.

Ang pagkakaroon ng kahalintulad na kagamitan ay magiging inspiras­yon sa ating mga magsasaka na pag-igihan pa ang pagtatanim.

Habang umaasang mapapalakas nito ang rice and other food production sa bansa.