KALABOSO ang 24-anyos na food rider na wanted sa kasong “robbery extortion” na nasakote ng mga awtoridad sa lungsod ng Pasig.
Sa ulat ni Pasig Chief of Police Col. Roman Arugay kay EPD-director P/BGen. Rolando Yebra, kinilala ang nadakip na si Romelito Fernandez y dela Cruz, nasa hustong gulang at nakatira sa Blk-83 Lot-23 KC-34, Karangalan Village, Brgy., Manggahan Pasig City.
Nabatid na dakong alas-9:33 ng umaga kamakalawa dinakip ang suspek ng mga tauhan ng Station Detective Management Section (SDMS) sa tahanan nito sa Karangalan Village.
Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest laban dito na inilabas ni Hon. Rowena De Jusn Quinagoran, Presiding Judge ng RTC Branch-166 ng Pasig sa kasong “Robbery Extortion” na may cc# R-PSG-21-03337 nitong Enero 27 at may piyansa na P100, 000.00. ELMA MORALES